Thursday, January 2, 2014

What is 2013 to me and where i am heading for 2014?

Dear Blog,

 

It's been a while since the last time i create my last blog, kala ko nga wala na tong account ko hehehe, bakit nga ba ako nag boblog? what's my purpose on this? honestly wala naman siguro para lang dito ko mailabas lahat ng gusto kong sabihin, at baka may mangyari sa akin atleast may makakabasa kung ano yung mga bagay na nangyari sa akin ng buhay pa ako. so what are those memorable things that happen to me in the year 2013...The first day ng Jan 2013 masaya ako, unexpected ang mga bagay na ng yari that day, ang sabi ko tuloy sa sarili ko nun after that day buong tao pala ako inlove kasi maganda pala yung panimula ng year ko, kaso nga nga pala hehehe. Ang 2013 ay punong puno ng pag subok sa akin ma pa trabaho at personal na buhay...Almost this year na spend ko lahat ng oras ko sa trabaho halos sa work na ako natira, lahat na ng sakit ng ulo,problema na experienced ko this year, dito nasubok ang pasensya ko na halos dumating sa point muntik ng maubos hanggang dumating sa point na nag popost na ako ng sama ng loob ko sa facebook at may pinatatamaan na ako sa mga post ko... Pero sa kabila nun  may isang bagay naman din na magandang naidulot sa akin ang mga nangyari na yun, madami akong natutunan sa mga bagay bagay lalo na sa pag realize ng mga galaw ng mga taong naka paligid sa akin at pano ko sila pakikisamahan. Naging inspirasyon at naging basehan ko lahat ng mga naging trails ko kaya naka survive ako at hindi ako dumedepende na sa iba..Ganun din yung personal ko na kaligayan pansamantala kong naisantabi dahil 2012 sobrang depress ko talaga ng nag hiwalay kami ng girlfriend ko sa di malamang dahilan,pero that year na realize ko na mabuting naghiwalay din kami dahil nasabi ko sa sarili ko na mahal ko nga sya pero were not for each other, maaring nag mature na din kasi ako at na realize ko kung ano talaga ang higit na makakapag pasaya sa akin, yung future na lagi ang iniisip ko hindi lang yung ngayon ay dapat masarap at masaya...So sa madaling salita naka moved on na ako, di ko na iispecify bakit kasi ayoko din maging unfair at baka mabasa nya din ito,kahit hinde okay sa akin ang mga nangyari tinaggap ko nalang kasi hindi ko naman ginusto mauwi sa ganung bagay,nakakapang hinayang lang na di nya pinahalagahan yung friendship namin, pero ganun lang talaga siguro ang gusto ni god mangyari...

  So move on to new year 2014, bagong taon,bagong buhay, bagong pag asa... so eto parang New Years Resolution ko na to, mga bagay na dapat na baguhin or mas iimprove ko pa this year...Kaya ang motto ko para lahat ito matupad is every goals na iseset ko ay lalagyan ko na ng deadline...

1. Good Health 
             Last year di maganda yung naging resolution ko sa health ko,2012 resolution ko kasi is mag leless ako ng Sofdrinks, so kung matatandaan ko tila 3 times lang nag sofdrinks, 2013 sobra sobra yung na take ko... So this year gusto ko talaga mangyari is Proper meal nalang, less rice,less sweet,more veggies pero yung fruits bilang lang talaga yung gusto ko hehehe... Then tutal last year nasimulan ko na mag exercise although di ko masusutain dahil madalas nga nalalaan ko na sa trabaho dahil sa madaming dahilan... so target ko is atleast 4 times ako mag jojogging in a week, kahit mahirap gumising sa umaga kakayanin ko na promise...para ng saganun  di ako maging sakitin, last year ang dalas ko kasi mag kasakit...I promise ito talaga ang pagtutuunan ko gusto ko lahat ay mabago at gustong may patunayan.Patatawarin ko lahat ng mga nagjoke at nagtatawa sa akin, i consider this as a challenge to turn things na hindi nila ieexpect na gagawin ko...

2. Work and Money
           Sa work, kung hindi pa ako pa ako makakahanap ng ibang work na mas tataas yung kikitain ko siguro mas pagbubutihin ko pa at sisipagan sa current work ko, lately naging tamad na din ako dahil naiinis na din ako.. Sa money naman sobrang naging gastos ko this Dec 2013 tila nag sunog ako 12k in less than 2weeks..haaay pero okay lang atleast lahat sa family nabigyan ko..also this year never na talaga ako makikipag transaction kapag involve ang money,napaka hirap,nakikilala ko lang talaga ang tunay na pagkatao ng mga nakapaligid sa akin pag dating sa pera...This year din sobrang pinag kagastusan ko yung motor ko and up to now estimate ko tila gagastos pa ako ng mga 5k to 10k pero okay na din it takes 12 year naman bago sya naging ganyan...di ko rin naman pinag sisisihan lahat ng ginastos ko sa sweldo ko lahat naman kasi ng binile ko masasabi ko ng napundar ko sa sarili kong sikap,at dun ako proud na proud sa sarili ko, hinde ako nag hihintay na mamunga ng pera ang puno at manghinge ng pera sa edad kong ito at umasa pa ako sa mga magulang ko...


        worst case, kung di magiging maganda ang year na to sa amin lalo na sa hanapbuhay, so mapipilitan na talaga ako mag abroad for 2015 na siguro,isasakripisyo ko na talaga lahat pati yung personal ko na kaligayahan tutal mukhang wala naman na din akong iniintay na ibibigay ni god para sa akin...Kaya sana if ever matuloy na sila mama at papa sa Zalora this year...

3. Lovelife?
        Sabi ko last year stop na muna ako sa paghiling kay God about sa kanya baka kasi kaya nya di binibigay is baka nakukulitan na sya sa akin, every night bago ako mag sleep,every time na na titingin ako sa relo ko sa cellphone ko at makikita ko ang oras is 1:11 or 11:11 iisa ang hiling ko, ibigay mo na po sya sa akin or just me give me a signs...so hinde ko sya hiniling this 2013, Unfortunately di parin naman nya ibinigay sa akin pero sa iba nya binigay and that sobrang na hurt ako,2012 madami na akong nakikita,2013 madami ng nag sasabi sa akin at sila mismo ang nakakita on that, pero ako patay malisya lang sa mga sinasabi dahil siguro kasi mataas yung fighting spirit ng pag mamahal ko sakanya kaya ayaw ko sumuko or basta maniwala sa sabi nila, pero natigilan ako one time nag iisip ako bago matulog, narealize ko ano naman mapapala nila kung mag sisinungalin sila sa akin sa mga sinabi nila sa akin...Answer is "wala" kaya talagang malungkot..Kaya siguro yung plano ko nung 2012 Feb na kahit na udlot at gusto ko pa din gawin last year is hindi ko na gagawin, kung minsan mismo sa bibig ko na din nya mismo naririnig kahit masakit...Sobrang special talaga nya sa akin kahit madalas noon nag aaway kami, hindi ko sya matiis,isang sabi nya lang andun agad ako,ganun ko sya kamahal,pero kung talagang para sya sa iba kahit masakit dapat maging masaya ako para sakanya..Ay martir ang peg? hehehe Basta sana this year may magdang mangyari, sana kung manyari sakanya man o hinde,sana for good na...I feel sorry tuloy dun sa iba na binalewala ko pero wala akong regrets kasi alam ko sa sarili ko sya talaga ang gusto ko...Ay ang pogi mo brad meron mga waiting talaga? hinde sa pagyayabang at mahirap paniwalaan pero meron talaga hahaha.

        Ayun sana  maging masaya,makulay this year kahit alam kong madaming pag subok ang kakaharapin ko this year. Simpleng tao lang ako hinde importante sa akin kung di mga mamahalin ang mga gamit ko ang importante sa akin is responsable ako sa family ko pag dating sa pagtulong lalo na sa financial, hinde ako nang hihinge at lalong hinde ako umaasa sa mga magulang ko..Isa sa mga naging motivations ko yan dahil nung araw ako ang na iinggit sa mga nakikita ko sa ibang tao at ako wala... Kaya mas magiging masipag ako this year...Sana sa next blog ko puro yung masasaya na yung isusulat ko, everytime nalang na mag boblog ako puro sama ng loob nalang mga sinusulat ko hehehe...

     Salamat sayo Lord sa lahat ng biyaya at pag subok na ibinigay mo last year madaming akong natutunan at mas naging competitive ako as a person...

No comments:

Post a Comment