Thursday, January 2, 2014

What is 2013 to me and where i am heading for 2014?

Dear Blog,

 

It's been a while since the last time i create my last blog, kala ko nga wala na tong account ko hehehe, bakit nga ba ako nag boblog? what's my purpose on this? honestly wala naman siguro para lang dito ko mailabas lahat ng gusto kong sabihin, at baka may mangyari sa akin atleast may makakabasa kung ano yung mga bagay na nangyari sa akin ng buhay pa ako. so what are those memorable things that happen to me in the year 2013...The first day ng Jan 2013 masaya ako, unexpected ang mga bagay na ng yari that day, ang sabi ko tuloy sa sarili ko nun after that day buong tao pala ako inlove kasi maganda pala yung panimula ng year ko, kaso nga nga pala hehehe. Ang 2013 ay punong puno ng pag subok sa akin ma pa trabaho at personal na buhay...Almost this year na spend ko lahat ng oras ko sa trabaho halos sa work na ako natira, lahat na ng sakit ng ulo,problema na experienced ko this year, dito nasubok ang pasensya ko na halos dumating sa point muntik ng maubos hanggang dumating sa point na nag popost na ako ng sama ng loob ko sa facebook at may pinatatamaan na ako sa mga post ko... Pero sa kabila nun  may isang bagay naman din na magandang naidulot sa akin ang mga nangyari na yun, madami akong natutunan sa mga bagay bagay lalo na sa pag realize ng mga galaw ng mga taong naka paligid sa akin at pano ko sila pakikisamahan. Naging inspirasyon at naging basehan ko lahat ng mga naging trails ko kaya naka survive ako at hindi ako dumedepende na sa iba..Ganun din yung personal ko na kaligayan pansamantala kong naisantabi dahil 2012 sobrang depress ko talaga ng nag hiwalay kami ng girlfriend ko sa di malamang dahilan,pero that year na realize ko na mabuting naghiwalay din kami dahil nasabi ko sa sarili ko na mahal ko nga sya pero were not for each other, maaring nag mature na din kasi ako at na realize ko kung ano talaga ang higit na makakapag pasaya sa akin, yung future na lagi ang iniisip ko hindi lang yung ngayon ay dapat masarap at masaya...So sa madaling salita naka moved on na ako, di ko na iispecify bakit kasi ayoko din maging unfair at baka mabasa nya din ito,kahit hinde okay sa akin ang mga nangyari tinaggap ko nalang kasi hindi ko naman ginusto mauwi sa ganung bagay,nakakapang hinayang lang na di nya pinahalagahan yung friendship namin, pero ganun lang talaga siguro ang gusto ni god mangyari...

  So move on to new year 2014, bagong taon,bagong buhay, bagong pag asa... so eto parang New Years Resolution ko na to, mga bagay na dapat na baguhin or mas iimprove ko pa this year...Kaya ang motto ko para lahat ito matupad is every goals na iseset ko ay lalagyan ko na ng deadline...

1. Good Health 
             Last year di maganda yung naging resolution ko sa health ko,2012 resolution ko kasi is mag leless ako ng Sofdrinks, so kung matatandaan ko tila 3 times lang nag sofdrinks, 2013 sobra sobra yung na take ko... So this year gusto ko talaga mangyari is Proper meal nalang, less rice,less sweet,more veggies pero yung fruits bilang lang talaga yung gusto ko hehehe... Then tutal last year nasimulan ko na mag exercise although di ko masusutain dahil madalas nga nalalaan ko na sa trabaho dahil sa madaming dahilan... so target ko is atleast 4 times ako mag jojogging in a week, kahit mahirap gumising sa umaga kakayanin ko na promise...para ng saganun  di ako maging sakitin, last year ang dalas ko kasi mag kasakit...I promise ito talaga ang pagtutuunan ko gusto ko lahat ay mabago at gustong may patunayan.Patatawarin ko lahat ng mga nagjoke at nagtatawa sa akin, i consider this as a challenge to turn things na hindi nila ieexpect na gagawin ko...

2. Work and Money
           Sa work, kung hindi pa ako pa ako makakahanap ng ibang work na mas tataas yung kikitain ko siguro mas pagbubutihin ko pa at sisipagan sa current work ko, lately naging tamad na din ako dahil naiinis na din ako.. Sa money naman sobrang naging gastos ko this Dec 2013 tila nag sunog ako 12k in less than 2weeks..haaay pero okay lang atleast lahat sa family nabigyan ko..also this year never na talaga ako makikipag transaction kapag involve ang money,napaka hirap,nakikilala ko lang talaga ang tunay na pagkatao ng mga nakapaligid sa akin pag dating sa pera...This year din sobrang pinag kagastusan ko yung motor ko and up to now estimate ko tila gagastos pa ako ng mga 5k to 10k pero okay na din it takes 12 year naman bago sya naging ganyan...di ko rin naman pinag sisisihan lahat ng ginastos ko sa sweldo ko lahat naman kasi ng binile ko masasabi ko ng napundar ko sa sarili kong sikap,at dun ako proud na proud sa sarili ko, hinde ako nag hihintay na mamunga ng pera ang puno at manghinge ng pera sa edad kong ito at umasa pa ako sa mga magulang ko...


        worst case, kung di magiging maganda ang year na to sa amin lalo na sa hanapbuhay, so mapipilitan na talaga ako mag abroad for 2015 na siguro,isasakripisyo ko na talaga lahat pati yung personal ko na kaligayahan tutal mukhang wala naman na din akong iniintay na ibibigay ni god para sa akin...Kaya sana if ever matuloy na sila mama at papa sa Zalora this year...

3. Lovelife?
        Sabi ko last year stop na muna ako sa paghiling kay God about sa kanya baka kasi kaya nya di binibigay is baka nakukulitan na sya sa akin, every night bago ako mag sleep,every time na na titingin ako sa relo ko sa cellphone ko at makikita ko ang oras is 1:11 or 11:11 iisa ang hiling ko, ibigay mo na po sya sa akin or just me give me a signs...so hinde ko sya hiniling this 2013, Unfortunately di parin naman nya ibinigay sa akin pero sa iba nya binigay and that sobrang na hurt ako,2012 madami na akong nakikita,2013 madami ng nag sasabi sa akin at sila mismo ang nakakita on that, pero ako patay malisya lang sa mga sinasabi dahil siguro kasi mataas yung fighting spirit ng pag mamahal ko sakanya kaya ayaw ko sumuko or basta maniwala sa sabi nila, pero natigilan ako one time nag iisip ako bago matulog, narealize ko ano naman mapapala nila kung mag sisinungalin sila sa akin sa mga sinabi nila sa akin...Answer is "wala" kaya talagang malungkot..Kaya siguro yung plano ko nung 2012 Feb na kahit na udlot at gusto ko pa din gawin last year is hindi ko na gagawin, kung minsan mismo sa bibig ko na din nya mismo naririnig kahit masakit...Sobrang special talaga nya sa akin kahit madalas noon nag aaway kami, hindi ko sya matiis,isang sabi nya lang andun agad ako,ganun ko sya kamahal,pero kung talagang para sya sa iba kahit masakit dapat maging masaya ako para sakanya..Ay martir ang peg? hehehe Basta sana this year may magdang mangyari, sana kung manyari sakanya man o hinde,sana for good na...I feel sorry tuloy dun sa iba na binalewala ko pero wala akong regrets kasi alam ko sa sarili ko sya talaga ang gusto ko...Ay ang pogi mo brad meron mga waiting talaga? hinde sa pagyayabang at mahirap paniwalaan pero meron talaga hahaha.

        Ayun sana  maging masaya,makulay this year kahit alam kong madaming pag subok ang kakaharapin ko this year. Simpleng tao lang ako hinde importante sa akin kung di mga mamahalin ang mga gamit ko ang importante sa akin is responsable ako sa family ko pag dating sa pagtulong lalo na sa financial, hinde ako nang hihinge at lalong hinde ako umaasa sa mga magulang ko..Isa sa mga naging motivations ko yan dahil nung araw ako ang na iinggit sa mga nakikita ko sa ibang tao at ako wala... Kaya mas magiging masipag ako this year...Sana sa next blog ko puro yung masasaya na yung isusulat ko, everytime nalang na mag boblog ako puro sama ng loob nalang mga sinusulat ko hehehe...

     Salamat sayo Lord sa lahat ng biyaya at pag subok na ibinigay mo last year madaming akong natutunan at mas naging competitive ako as a person...

Friday, November 30, 2012

If earth has 21 days only left… gusto ko ganito ang mangyari





Kung  magugunaw nga ang mundo this dec 21 2012 wala ka ng magagawa, it’s destined na mangyari talaga. If ever na mangyari pero wag naman sana, sana mag kita kita pa tayo kung meron nga din pang sinsabing sa kabilang buhay. Meron lang akong ilang gustong bagay na gusto kong mangyari sana kahit malabo pang mangyari eh sana pa din mangyari hehehe gets nyo ba? Actually wala naman may care sa mga gusto kong mangyari for sure hehehe  siguro if ever lang eh me makabasa na at the end of this blog eh maisip ng iba na “oh ganito pala” “oh really” yun bang may magugulat at pikit matang isipin na ganito pala ako…so sana kung ngang mangyayari yung bagay na yun is eto yung mga gusto kong mangyari.

1.       First, kwento sa akin ng father ko may isang taong dapat ako pinagkakautangan ng buhay ko nung bata daw kasi ako is 50-50 na yung buhay ko dahil sa tigdas, pero may isang friend ang father ko na nag asikaso ng lahat ng kailangan ma rescue lang ang buhay ko, I really don’t know her name at kahit yung itsura nya hanggang sa ngayon..hindi ko din alam kung buhay pa ba sya. So sana ma meet ko sya kung hindi ngayon eh sana dun na nga sa sinasabing kabilang buhay.
2.       Second, sa pinag kakautangan ko ng buhay ko sa aking mga magulang. Gusto ko sana yung Makita ko naman silang nag rerelax sa isang lugar yung bang hindi trabaho sa business naming yung ginagawa nila.. in 27 years na kasama ko sila puro sila trabaho nalang para sa ikabubuhay namin. So sana ako naman ang mag treat sa kanila specially sa mother ko, gusto kong bumawi sakanya, masyado akong pasaway nung bata ako kaya pag naaalala ko nun madalas kami nag aaway pero na realize ko tama palang sinasaway ako nung bata ako ni mama ngayon naiintindihan ko na kung bakit at nag papasalamat ako nalagay ako sa mabuti.
3.       So kung may 21 days akong natitira pa, sa loob ng isang lingo dun gusto ko mag wish na sana parang bumalik ako sa nakaraan, what I mean is bumalik ako dun sa panahon na madaming maling nangyari sa buhay ko, sa mga maling desisyon na nagawa ko na pinag sisisihan ko or maibalik ako sa mga time na yun para maitama ko.
4.       Kung nakabalik na ako sa time or sa panahon na gusto kong baguhin siguro una kong gustong balikan yung  taong 2008… 2008 napaka sama ng taong ito sa akin tila buong taong akong stress at puro problema, hindi ko nga maisip at makapaniwala na papayat ako ng taong ito eh sa totoo lang sa daming problema at stress na nangyari sa akin.. hindi ko na I dededetalye kung anu nangyari basta yun nay un :p
5.       2nd is gusto kong bumalik sa time na naka _ _ _ _ _ ko yung crush ko although nung una dapat hindi na ako nahiya kasi sya na mismo lumapit sa akin nun eh eh ako si tamang torpe pa nun anga anga pa ayun nung nilapitan ko na sya tamang good moments na sana sa amin nung una eh kaso biglang na iba yung _ _ _ _ _ ayun biglang nagging _ _ _ _ _ _ _ _ yung _ _ _ _ _ naming hahahaha
6.       College days, actually nung una sinasabi ko sana kung babalik ako sa panahong yan that was 2002 sabi ko sana wag ng mangyari yung mga nangyari sa akin nung mga time nayun pero na isip ko kung di pala yun nangyari is wala pala ako kung asan man ako ngayon..so siguro ang gusto ko lang is may mga ilang detalye nalang sana akong natatandaan ako ako na iiwasan ko o alam ko na mangyayari na gagawan ko na ng paraan para hindi na mangyari pa.
7.       Dec 2012 up to Sept 2011 im was so blesses ng mga panahong yan cguro iyan na as of now yung masasabi ko na pinaka masasayang araw ng buhay ko. Babalik lang ako sana panahon nayan para ma feel ko lang ulit yung sayang mga na experience ko ng mga time nay an kahit alam kong isang drum din ang iniluha ko ng mga panahon ding yan.
8.       Feb 2012 may isang bagay akong pinapalano sana nung mga time na to kaso ako si boy sablay..ay nuknukan ng sablay kaya ayun yung ilang gabing iniisip ko kung gagawin ko ba o hindi na bibigkasin ko ang mga salitang maaaring muling makaapekto n gaming pagkakaibigan pero mas nangingibabaw ang sinasabi ng puso (shit ang lalim nun brad!) hahahaha eh na diskarir sa engotan ko pero on the other side na isip ko dapat din cguro ako mag pasalamat hindi pa nangyari yun kasi baka hindi pa nagging maganda yung lakad naming nun ng dahil sa akin…babalik din sa ako sa time na to kasi may nawalang bagay sa akin eh, hindi sya kamahalan pero mahalaga yun sa akin..
9.       Cguro yung last na babalikan ko is yung 2nd to 3rd quarter nitong taong ito, I remember 5 times akong na disappoint sa sarili ko, hehehe wala naman sigurong  taong nagging masaya na makitang may kasamang iba yung taong gusto mo at magkakasama pa kayo hahaha. Wala naman taong naging masaya habang selos na selos. So cguro iiwas kung babalik ako sa time na yun.
10.   Madami pa cguro akong gustong balikan(hindi karelasyon okie hehehe) in the past, hindi ko lang maalala talaga yung iba so cguro ang gusto kong mangyari is kung end of world na sa darating na dec 21 is kumain ng  4 fingers chicken, potato at vegetable salad,pizza, ice cream, shawarma,  pasta etc. at mapanood ko na yung tila 10+ na dvd na binele ko last last month pa, sayang naman yung pera ko kung di ko mapapanood hehehe
Cguro madaming nag tataka kung bakit hindi ko winish na sana maging mayaman ako at sa lovelife ko….
Una sa lahat sino bang ayaw ng pera sa panahon ngayon, pero aanuhin ko pa yung pera diba, pangalawa sa lovelife , sa totoo lang parang naipangako ko na sa sarili ko na kung hindi talaga sya is hindi na din na siguro ako maghahanap pa ng iba para mapangasawa, pero (kabig)hahaha hindi ako nag sasalita ng tapos hinde naman natin alam kung anong mangyayari in future eh di ba hahaha pero sa ngayon kahit tinatarayan at binabasag basag pa nya ko sya talaga.. kung hindi sya wag nalang cguro, hindi ko din alam sa sarili ko alam kong ayaw nya sa akin cge go pa rin ako ng go hahaha..
But I hope sana hindi pa katapusan ng mundo..so LET’S ALL PRAY
Thanks for reading!

Friday, July 13, 2012

The Amazing Spiderman untold story, My Score Card

  
The Amazing Spiderman untold story
I watch The Amazing Spiderman the untold story last yesterday on 2d cinema, gusto ko lang ibigay ang grading at comments ko on this movie. 1 is the lowest and 10 is the highest.

1. Characters = 8
           The new Spiderman plays by Andrew Garfield, compare to the original Spiderman Tobby Maguire, kung looks ang Pag uusapan mag gwapo si Andrew, but on Acting mas may Edge si Tobby, Question sino ang mas nakapag dala ng totoong character ni Spiderman based on comic book story or what i mean is mas kanino mo nakikita yung mas nag dala ng character ni Spiderman sa kanilang dalawa? on my opinion actually they both great  yun nga lang parang mas bagay yung role kay tobby maguire kasi mas matured syang tignan medyo bata at teen pa ang looks kasi ni Andew..The rest of the character is okay naman dahil almost is new character. Leading lady ni Peter Parker, well Maganda although yung sa exposure ng character compare sa unang movie ay di ganun masyado.

2. Story = 7
               Since it was a new story dahil bago na yung gumaganap ng spiderman, well to be honest according to the title it was untold story, pero to be honest its a different story na talaga ang tanging parang nasagot lang sa tanong ko is bakit nga ba sa mga Uncle at Untie ni Peter Parker sya lumaki? at sino ang mga magulang nya,narevealed naman ang character ng mga magulang nya although medyo kulang sa info, but who knows may 2nd part pa at sinadya talagang ganun ang story. Yung ilang part ng movie specially yung mga pano naging spiderman sya is medyo mabilis hindi ganung masyado na detalyehan, feeling ko shinorcut yung movie. Saka in this story ang daming naka revelead ng tunay na character ni Spiderman. Then isa pa sa parang di ko nagustuhan on the story is Spiderman na sya eh he has the character of a spider, kaya nyang umakyat sa wall, he got the skills and powers except!!!!!!!! wala syang natural web!!!!!! bakit mechanical web?????!!! Anyare? so medyo disapointed talaga ako ng konti sa story at sa detailng ng mga characters.

3. Special, Sound Effects and Musical Theme and Score. = 8
                Ok naman yung sa mga effects wala kang masasabi lalo na sa big lizard na kalaban at sa mga paglipad lipad ng character, yung sa sounds at musical theme okay parang sa transformers pero iba parin yung sa tranformer kasi in the end ng transformer marerecall mo yung music nya eh compare dito sa spiderman pero okay naman sya.

Okay naman yung movie masasabi ko din naman maganda sya siguro overall grade ko sakanya is 85% one of the great movie this year. ^_^

Monday, May 14, 2012

College Journey




Hi good day or Good eve College Journey wala lang ulit kwento ko lang naman ano mga nangyari sa College life ko. Napaka kulay at mahabang paglalakbay ang college life ko hahaha almost 10years ba naman eh, di ako nag masteral ha hahaha naalala ko sabi melissa polangcos sakin nung isang gabi ah tlga nakagrad ka na dun sa masteral mo hahaha... so pano nga ba nag simula yung college ko at ano yung mga nangyari nung mga panahon ngaun at ano na ako after nun... Well to be honest after ng graduation ng High School wala pa talaga sa isip ko ang mag college at ni course na kukunin ko di ko iniisip compare sa ibang bata hahaha..anong reason ko? di ko din alam eh cguro yung mga time na yun kasi bakasyon at the same time di ko pa nafifeel na maghihiwalay hiwalay na kami ng mga barkada ko nun...until 2 weeks before ng pasukan ayun na alarma na ako almost of my friends eh naka enroll na at ako eto sarap pa ng buhay sa bakasyon hahaha... pero before naman yung mga panahon na yun madami na ako na try na mag entrance exam sa ibat ibang schools... first option ko tlga at ng parents ko sa P.U.P ng nakapasa ako sa entrance exam...since nakapasa na ako dun di na ako nag try pa sa ibang school..When tha day na mag eenroll na sana ako sa P.U.P kasama ko parents ko eh biglang nabago ang isip ko at ang mga parents ko...why? yung araw lang naman na pumunta kami eh isang katerba yung aktibista sa harap ng P.U.P hahaha papasok palang kami eh ang gugulo na ng mga nakikita namin hahaha kaya biglang ayaw na namin agad.. Then proceed na ako sa isang option ng father ko TIP quezon city... before graduation ng high school most of my classmates dun balak pero ako talaga ayoko dun kasi napanood ko sa TV yung hinagisan ng granada yung lutuan ng mga kwek kwek dun eh hahaha nakakatakot...so this is the time na hinanap ko na yung mga friends ko kung saan na sila nag enroll. so most of my friends sa CCP nag enroll kaya ako dun din napunta hahaha... anong course ko? eh di kung anong course din nila yun din ako hahaha... Halatang walang tgla sa isip ko yung mga bagay na yun... kasi aminado ako mahina tlaga ako sa math eh biruin mo Engineering pa yung  kinuha ko na course hahaha sa drawing palang na subjects super sablay na ako hahaha lalo na sa Algebra nako po! Ayun unang sem okay naman masaya although ayun bagsak agad ako sa algebra pero parang di naman din katanggap tanggap yung bagsak ko nun kasi natapat talaga ako dun sa prof na bagsak ka tlga kung bagsak.. 6 out of 30 students lang ba naman yung pumasa sakanya sa section namin eh kaya di ako nag iisa hahaha...pero di yun yung highlight nung college life ko sa CCP eh hahaha alam mo na..buhay pag ibig hahaha medyo masaya at malungkot kasi most of that lahat first time sa akin... first time nanligaw, first time nag ka gf di isa kung di dalawa hahaha lupet ko ba hahaha :P well medyo nakalimutan ko na nga yung exact na mga nangyari during that time...pero masaya sya.. then kung masaya may lungkot din..andyan yung may break-up nagkagalit galit sa barkada, pero ang pinaka matindi na problem ko tlga na naencounter is yung sa financial...nahirapan tlga kami tustusan yung tuition fee on that school kaya napilitan din ako mag stop.. Ang parents ko naman hanggat kaya pa sige lang pero dumating na sa point na naaawa na tlga ako sa kanila dahil sobrang mahal ng tuition at alam ko sa sarili ko na di tlga namin afford...kaya napilitan na akong ako mismo ang lumipat ng school kahit malungkot na yung mga kaibigan mo andun at ikaw lilipat...sempre panibago nanaman environment yung gagalawan ko pero no choice ako eh kailangan ko mag sacrifice para di gaano mahirapan yung parents ko... Ayun kaya dyan ako sa ICCT bumagsak... Pero alam sa totoo lang yung nangyari sa akin ay isang bagay pala na mag sisilbing aral, inspirasyon at motivation ko sa buahay..bakit? kasi na realize ko na kaya ko pala humarap sa ibang tao ng mag isa lang ako..so dito na develop yung personality ko na mag isa ako,paang naging maganda pa nga sya kasi dito tlga nung mag isa ako aral tlga ako...medyo di okay yung mga unang sem ko sa ICCT kasi iilan lang yung mga subject na nakukuha ko kasa sem dahil sa dami ng studyante..so dapat maaga pala nag eenroll haaay...Akala ko nung lumipat na ako sa ICCT okay na kasi mura na yung tuition fee eh pero dumating tlga yung panahon na sobrang hirap kami tlga sa buhay nun kaya year 2008 na pilitan akong mag stop ulit.. So this time talagang nag work na ako, nung una ang plano tlga namin is mag working students ako pero di ko kinaya so nag focus nalang muna ako sa work nun at the same time kasi ng mga panahon na yun masarap eh kumikita na ako ng sarili kong pera.. Pero nung tumagal na realize ko napapagod na din ako mag work...Nung medyo naka recover na kami sa financial late ng mga 2008 ayan medyo naging okay at direretso na ako...madaming magaganda at di malilimutang experience during that time...madami ako naging kakilala kasi nga di ako makakuha ng block section kasi madalas puno na kapag nag eenroll ako so kung ano ano tuloy ang section ko nun hahaha kaya medyo sikat ako nun at kahit san sulok ng skul ako pumunta may kakilala ako...Sa school na yan naging makulay ang lovelife ko.. for the first time nag karoon ako ng legal na girlfriend na nakilala ko at classmate ko....2 ang naging girlfriend ko dito...ang gwapo ko nanaman hahaha... pero di maganda dun parehas ako iniwan hahaha....yung isa dinaan ako sa kasinungalingan at lately ko lang natuklasan yung totoong reason...yung isa naman masaya ako dun medyo malayo nga lang yung age namin kaya din di rin cguro kami na click madalas kami mag away...pero after naman nun were good friends at both we realize na mas okay na kung magkaibigan nalang tlga kami...pero isa lang naman tlga yung bad experience ko on that is yung mismong school because sa system nila...haaay to be honest ikakasuka mo tlga yung panget na systema nila na ginagawa...andyan yung mag eenroll ka ng buong araw ba naman...sa ibang school di mo yun dadanasin, adyan pa yung late ka na nga mag bayad dahil wala pang pambayad tapos papatungan pa ng penalty haaaay... pero naisip ko din nagagalit ako pero alma matter ko to eh eheheh mabuti nalang matitino yung mga prof dito... well FYI di pinoy ang may ari ng school na ito kaya walang holihiloday kaming sinusunod..ni bagyo nga may pasok pa din kami eh hahahaha... Pero on this school tlga araw talaga ako todo dito at FYI ulit wala akong ni isang subject na ibnagsak dito kaya im so very proud sa sarili ko kasi na prove ko din na kaya ko mag isa at minsan tlga maganda din medyo hiwalay yung barkada dun sa pag aaral at nakapag focus ako pero nasa tao pa din naman yung kung pano nya ihahandle eh...Akala ko ako na yung pinakamatagal ng nag aral pero meron pa pala..Si Ogie Alcasid 12 years sya sa college hahaha so mas matagal pa din sya hahaha :p sa ngaun eto graduate na pero may pang hihinayang ako din may award sana daw ako kaso nagkaroon ng problema medyo naging busy kami sa OJT lalo na ako dahil ako kinareer ko tlga yung OJT ko... Naisip ko nalang nung graduation masaya na yung parents ko atlast gagarad ako pero sana nakuha pa din namin yung may award im sure matutuwa yung mother ko nun...pero okay na din atleast okay na tapos na din atlast... So panibagong buhay nanaman although naka line up na yung gusto ko mangyari...Bsta maging maganda lang lang yung nag iintay na work sa akin uunahin ko lang muna yun obligasyon ko sa family ko then unti unti na akong mag iipon para sa future ko at kung mag kakaroon na ulit ako ng mamahalin =) meron naman na akong mahal eh kaso di ko sya gf hahaha pero gusto ko sya na sana..mahirap yung pagdadaanan ko kung gusto ko tlga sya..sa lahat ng babae sakanya ako puro usap lang at di pa umeepekto yung mga matatamis kong salita..so ibang iba tlga sya... kasi sya na yung idela girl na di lang bsta parang maging gf..kung di sya yung tipo ng pinapakasalan na..hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin kasi pakiramdam ko habang tumatagal lumiliit yung chance ko saknya at pedeng sa iba sya mapunta..napepressure ako sa totoo lang kasi tao lang tayo may puso at kahit anong oras maaring makaramdam yung puso natin...pero naiisip ko ganun ako before eh pinilit ko kaya walang nangyari...Naiisip ko nalng minsan na madami akong taon na sinayang at kung kelan gusto ko ng gawin yung isang bagay saka di ko naman bsta din magawa... Minsan mahirap tlga paniwalaan yung mga sinasabi ko lalo na sa kagaya kong magulo at parang di seryoso madalas...pero pag dating sa mga ganito dito lumalabas yung pagiging mahina ko lalo na yung pag mababa ang luha ko...well sana yung gabi gabi ko na pinagdarasal sana ibigay sa akin ni god sa tamang panahon at pagkakataon. As of now masaya namin kami cguro ako nalang din yung may problem minsan at may dala akong takot na nararamdaman.. minsan kasi sumobra nga yung tapang ko pero ang di ko napaghandaan yung di ko pala kayang tanggapin yung pedeng sakit na naramdaman...Okay lang sa akin kung iyakan ko ang isang tao mahal ko naman eh di kabasawan para sa akin sa pagkalalake ko bsta what ever yung plans ni god sa amin kung okay man o hindi wala naman ako magagawa dahil yun yung naka tadhana mangyari... Teka about college life diba? Ang ending buhay pag ibig nanaman hahaha!!!! have a nice day! :P

Wednesday, April 18, 2012

Long journey, destination:unknown

Last March was my last blog...na aning nanaman ako cguro ng mga panahon noon at kung ano ano naman ang mga nasabi ko... so anong ibig kong sabihin na aaning na naman ba ako? it might cguro..di ko alam eh kagabi pa ako ganito hahaha emo... dapat yung mga ganitong mga bagay di ko dapat mga iniintindi kaso di ko maintindihan din sa sarili ko eh...Ano nanaman ba tinutukoy ko..madami actually pero i know na alam mo kung anong sinasabi ko at kung anong gusto kong sabihin...to be honest i'm the mode na parang ilaw na mapupundi na at parang unting unting nawawalan ng makikitang liwanag.. Nawawalan ba ako ng pag asa? actually matagal na akong walang kapag asa asa ang tanging iniisip ko nalang is magkakasakit lang ako sa puso kung hindi ko gagawin ang gusto ng nararamdaman ko..eh anong problema at pinag iinarte ko kung ganun aber?! Well urong sulong yun cguro yung pinaka maganda at simpleng word na description ko kasi eto na naman ako sa bagay na gusto kong gawin noon at noon pa man pero parang everytime na gagawin ko na ay may mga bagay na parang nagiging hadlang kung bakit hindi din ako makausad at kung minsan mas nagngingibabaw nalang yung pagging martir ko... to be honest ayaw kong makagulo sa mga bagay na masaya na sa nakikita ko kahit masakit sa nararamdaman ko dahil ayokong maging kontra bida at maging dahilan para may malungkot ng dahil sa akin..Ang hirap na pag subok ang ibinibigay sakin ng diyos noon at noon pa...Sabi nila kung meron kang gusto pag hihirapan mo ito para makuha mo, naiisip ko nalang anong dapat kong gawin pa...Iparamdam ko? pano ko ipaparamdam kung meron nga mga ganung factor..makikipag kumpitensya ba ako kung nakikita ko naman na masaya naman na sya.. Minsan kaming mga lalake ayaw namin na aminin at tanggapin sa sarili namin na may mas magaling na lalake sa amin...Yeah nag seselos ako kung iniisip mo...nakakatawa diba pero naiinis ako sa nararamdaman kong ito...Di ko tuloy maiwasan minsan na mag compare ako na bakit sya ganun at ako hindi ganun sa akin,kung ano ba yung mali sa akin... minsan nasasabi ko nalang na everything is wrong with me kaya im feel very down sa sarili ko, naiisip ko disadvantage lahat ng sasabihin ko at bigdeal lahat ng bibitawan kong salita...kaya ako nagbago ng personality from tahimik sa pagiging maingay dahil ako mismo sa sarili ko ayaw kong mabored eh kaso parang nagiging disadvantage pa sya ngaun for showing na hindi ako makitaan ng pagiging seryoso... di ko tuloy minsan ang mararamdaman ko kapag sinasabing playboy ako kung matutuwa ba ako or maiinis dahil kung tutuusin di okay para sakin eh..what if i change? disadvantage nanaman yun for sure...Meron akong gustong gawin noon pa na nasa tingin ko ay parang cge eto na muna tutal dito ako masaya sa tingin ko pero naiisip ko palang baka dumating sa point na ganun nlang ang maging tingin ko sa kanilang lahat at in the end ako pa din ang mawawalan at mag iisa sa huli pero mahirap bang makita sa lagay na ito na im very serious when it comes on that thing...Kapag kaya nagbago ako on everthing sa tingin mo ba may magbabago?ikaw ano bang sa tingin mo ang dapat kong gawin ar baguhin sa sarili ko? but for sure hanggat ganitong akong stress ako walang magbabago... Ayaw ko man tumingin sa mga bagay na kung saan magsusukatan eh kahit sa itsurang mabigat ako mangingibabaw lang na walang akong kadating dating...woooo ang drama...Oh alam ko naman sasabihin ng iba eh.... Bitter? Maybe kamukha ko si Bitter Ocampo pero di ako related kay Justin Bitter! Walang akong paki alam anu man ang sabihin nila hindi ako nagkakaganito kung hindi ko talaga mahal si......... sya......Malapit na ang birthday ko ayaw kong mag wish ng anything, in the last 3 years kasi ng bday ko lahat ay masaya walang akong hiniling pero ang daming magagandang bagay at blessings ang nangyari...cguro ang wish ko nlang is yung darating na 3rd and 4th quarter ng taon na to na sana maging okay naman sa akin kasi in the past 2 years hindi naging maganda sa pagkakatanda ko lalo na last year, although iba naman nangyari this year kasi umpisa palang ng taon para sa akin di na maganda..kaya sana maging okay naman ang taon na to sa akin at for good na sana.... Haaay mabuti nlang mataba ang puso ko at khit madaming sakit ang nararamdaman ay healthy pa din...

Monday, March 12, 2012

daming tanong..walang sagot...

Daming tanong, walang sagot.. Sa dami ng katanungan ko sa mga bagay bagay madaling makakuha ng sagot, napaka daming paraan para makakuha ng sagot at paliwanag sa anu mang bagay.. Yun ang akala ko at ng karamihan cguro... Eh bakit pag dating sa usaping at tanong pag dating sa puso..Madaming tanong na walang kungkretong kasagutan.. most of the answer is puso opinion lang but definitely na nag papatunay ang sagot is wala ni isang nakaka alam..Bakit sino nga bang tao ang nakakabasa ng tunay na nararamdaman ng isang tao? Wala, maaring magaling kang mag payo pero naisip mo ba minsan na mas bagay sayo yung mga pinapayo mo sa iba? At kapag ikaw na ang nasa ganung sitwasyon ay ikaw itong pahirapan applyan ng mga payo mo sa iba.. Eh ano bang punto ko? Wala naman... kung kaya mo sagutin na Masarap bang ma inlove? If no y? If oo y? anf if oo eh bakit nasasaktan ako kung inlove ako?!! bakit sino pa yung gusto mo yun pa yung hindi mo makuha? Bakit kung sino yung di mo inaasahan yun pa yung ibibigay sayo at sa huli ay masasaktan ka pa din? bakit ang tagal ng panahon na nag intay ka at kung kelan eto na eh madami pa din hadlang... san mo ba ako gustong ilugar? di pa ba ako tapos mag bayad ng mga nagawa ko noon? eh noon mo pa ako pinaparusahan bro... Ayaw ko mag tampo sayo pero sana wag mo nalang ako bigyan ng dahilan na magmahal pa kung in the end bibigyan mo ako ng ikakasakit ko... Kamusta naman diba? anong sasabihin mo pag subok lang yan at sa bawat pag subok ay may aral akong matututunan? Wow bro over na ako sa aral na natutunan ko.. Ni batong dinampot ko at ipinukpok ko na sa ulo ko nagawa ko..nagpakatanga na ako sa lahat ng bagay...Bro sinasabi nila ako daw ang gagawa ng tadhana ko at kung san talaga yung gusto kong marating at mangyari..Pero pambihira naman po wala pa akong ginagawa eh sablay na!!! Sobra ng pahirap sakin po labis labis na to sa KARMA sa totoo lang kung tlgang binabantayan mo nga kami... Di kita sinisisi kung anong nangyayari sa akin pero sana kaming naniniwala sayo eh sana help us naman.. Wag mu nalang ako bigyan ng signs para mag mahal mas matutuwa pa siguro ako... Okaya isang umaga sana gumising ako na alam mo yun manhid nalang ako...Mas masarap pang ma stress sa trabaho eh dahil kapag nakatikim ako ng pahinga hinahanap hanap ko pang ma stress sa work... Kung mali man po ako sa mga sinasabi ko at talagang concern ka eh di hinahamon po kita na bigyan mo ng kongkreto o kahit di kongkreto bsta yung marerealize ko na tama ka... isang signs lang okay na cguro ako.... Naalala ko pala kahit pala hilingin ko sayo yung gusto ko at ibigay mo nga eh kung yung mismong may katawan yung may ayaw kahit sino ka pa hindi mo pa din pala sya madidiktahan dahil sa tingin ko ikaw mismo di mo rin nararamdaman yung mga tunay na nararamdaman naming lahat...But thanks to you pa rin in the end kasi atleast still i know na may purpose pa kahit papano yung puso ko at nakakaramdam pa din ako ng mga ganun sa dami ng bagay na nangyari...Itatry kong hanapin at iababalik ko yung ating ako baka cguro pag nagawa ko yun marealize ko lahat kung ano yung mga mali at mga tamang bagay na dapat kong gawin... Thanks for the good day! almost 2 months nalang natitira..after nun mag dedecide na ako kung ano tlga yung inaakala ko na makakabuti sa akin sana kahit mali man yung piliin ko pag dating ng araw na yun eh i guide mo pa din ako... Hoy blog wag kang mag inarte kung nag eemo nanaman ako...palit tayo ng maintindihan mo ako isa ka pa eh hahaha!!!

Thursday, January 26, 2012

still the same?

Dear Blog..

Day Thursday, January 26, 2012... It's a normal day nakakapagod sa work pero okay lang.. Pero minsan pagod  na yung katawan mo basta okay pa ang mind mo kakayanin mo pero bat ganun Pagod ka na tapos madadagdagan pa ng problema di ka tuloy makapag concentrate sa gusto mong gawin at kung ano yung dapat mong pagbutihin para sa future kaya madalas nasasabi mo nalang na matapos lang o makaraos lang ang isang araw kahit di pulido ang trabaho basta masabi lang na "okay na yan"... Bat ba kasi naimbento ang problema ..madalas sinasabi di ka bibigyan ng diyos ng problema kung di mo kayang solusyunan..Minsan naiisip ko sana maawa naman sya kung mayat maya lahat ng tao may problema... Ang hirap pero kinakaya mo.. Pero sana kung sa lagay ko sa ngayon kung magkakaproblema sana ay ako nalang at wala ng iba pang taong madamay..Pero madalas dahil din sa ibang tao kaya nabibigyang solusyon ang prpoblema mo...Haaay ang masasabi ko lang na sana bigyan naman ako at kami ng mahaba habang panahon na walang problema...Bago pa magpasko ganito na yung problema namin... Pero kaya ko to..bsta pangako ko nalang tlga di lang sa sarili ko kung di pati sa mga taong umaasa sa akin na titriplehin ko yung sukli sa tulong na ibinibigay nila...Kaya everytime naiisip ko kapag natatapos ang isang problema ang mind set ko is wala akong karapatan lumigaya para sa sarili ko...Sabagay totoo naman kung tututuusin nasa age na ako para mag decide para sa sarili ko pero wala akong karapatan pa..At isa pa sa ngayon kasi di ko din alam kung kaya ko ba pagtiyagaan makuha ang gusto ko...Pakiramdam ko kasi masyadong mataas yung gusto ko at ang tanong eh gusto ba ako ng gusto ko? Well sana kahit di maganda yung panimula ng taon ko ay sana matapos man ang taon na ito para sa akin na puno pa din ng pag asa like what happen last year yun eh kung di mag kakatotoo na this year ay magugunaw ang mundo...

Oo nga noh what if magunaw nga ang mundo...Nagawa ko na ba lahat ng dapat kong magawa...Hindi dahil ni sa kalahati ay wala pa ako...Pero pag naiisip ko to sa pagtulog o pag gising minsan na baka last day ko na sa mundo ay nasabi ko ba sa taong malapit sa buhay ko na mahal ko sila?Sa family oo naparamdam ko na mahal ko silang lahat...Sa friends oo kaya nga ako hinirang na 2010 bestman of the year eh for two consecutive weddings hahaha eh sa taong mahal...OO na sasabihin nyo sino sa kanila...madami akong taong mahal..Ang totoo tama sya nasabi ko ngang mahal sya eh nakita ba naman nya?naramdaman ba naman nya? Actually hindi...Gusto ko man iparamdam kaso parang madalas kasi daming hadlang o nauunsyami eh...o sadyang mali lang talaga ang moves ko...Para nga ako minsan hari ng sablay sakanya eh kapag pakiramdam kong unting unting nagiging okay biglang may eksenang sasablay haaaaaaaaay bakit ganun... Kung ano pa yung gusto mo dun pa yung madalas na didisgrasya...LORD eto nanaman ako nananawagan sayo...konting kabig naman po sa pag subok na binibigay mo po sa akin...baka mabaliw na ako sa bigat at dami....bsta ikaw ng bahala at sana maintindihan mo at nyo ako na di ko muna kaya mag multi tasking..bigyan mo ako ng tambak na problema pero wala lang time pressure at lahat yan masesettle ko...LORD request ko lang I GOOD SHOT mo naman po ako sakanya oh LOVE ko tlaga sya noon pa :( let you guide me kung anong dapat at di dapat kong gawin...thanks a lot!