Day Thursday, January 26, 2012... It's a normal day nakakapagod sa work pero okay lang.. Pero minsan pagod na yung katawan mo basta okay pa ang mind mo kakayanin mo pero bat ganun Pagod ka na tapos madadagdagan pa ng problema di ka tuloy makapag concentrate sa gusto mong gawin at kung ano yung dapat mong pagbutihin para sa future kaya madalas nasasabi mo nalang na matapos lang o makaraos lang ang isang araw kahit di pulido ang trabaho basta masabi lang na "okay na yan"... Bat ba kasi naimbento ang problema ..madalas sinasabi di ka bibigyan ng diyos ng problema kung di mo kayang solusyunan..Minsan naiisip ko sana maawa naman sya kung mayat maya lahat ng tao may problema... Ang hirap pero kinakaya mo.. Pero sana kung sa lagay ko sa ngayon kung magkakaproblema sana ay ako nalang at wala ng iba pang taong madamay..Pero madalas dahil din sa ibang tao kaya nabibigyang solusyon ang prpoblema mo...Haaay ang masasabi ko lang na sana bigyan naman ako at kami ng mahaba habang panahon na walang problema...Bago pa magpasko ganito na yung problema namin... Pero kaya ko to..bsta pangako ko nalang tlga di lang sa sarili ko kung di pati sa mga taong umaasa sa akin na titriplehin ko yung sukli sa tulong na ibinibigay nila...Kaya everytime naiisip ko kapag natatapos ang isang problema ang mind set ko is wala akong karapatan lumigaya para sa sarili ko...Sabagay totoo naman kung tututuusin nasa age na ako para mag decide para sa sarili ko pero wala akong karapatan pa..At isa pa sa ngayon kasi di ko din alam kung kaya ko ba pagtiyagaan makuha ang gusto ko...Pakiramdam ko kasi masyadong mataas yung gusto ko at ang tanong eh gusto ba ako ng gusto ko? Well sana kahit di maganda yung panimula ng taon ko ay sana matapos man ang taon na ito para sa akin na puno pa din ng pag asa like what happen last year yun eh kung di mag kakatotoo na this year ay magugunaw ang mundo...
Oo nga noh what if magunaw nga ang mundo...Nagawa ko na ba lahat ng dapat kong magawa...Hindi dahil ni sa kalahati ay wala pa ako...Pero pag naiisip ko to sa pagtulog o pag gising minsan na baka last day ko na sa mundo ay nasabi ko ba sa taong malapit sa buhay ko na mahal ko sila?Sa family oo naparamdam ko na mahal ko silang lahat...Sa friends oo kaya nga ako hinirang na 2010 bestman of the year eh for two consecutive weddings hahaha eh sa taong mahal...OO na sasabihin nyo sino sa kanila...madami akong taong mahal..Ang totoo tama sya nasabi ko ngang mahal sya eh nakita ba naman nya?naramdaman ba naman nya? Actually hindi...Gusto ko man iparamdam kaso parang madalas kasi daming hadlang o nauunsyami eh...o sadyang mali lang talaga ang moves ko...Para nga ako minsan hari ng sablay sakanya eh kapag pakiramdam kong unting unting nagiging okay biglang may eksenang sasablay haaaaaaaaay bakit ganun... Kung ano pa yung gusto mo dun pa yung madalas na didisgrasya...LORD eto nanaman ako nananawagan sayo...konting kabig naman po sa pag subok na binibigay mo po sa akin...baka mabaliw na ako sa bigat at dami....bsta ikaw ng bahala at sana maintindihan mo at nyo ako na di ko muna kaya mag multi tasking..bigyan mo ako ng tambak na problema pero wala lang time pressure at lahat yan masesettle ko...LORD request ko lang I GOOD SHOT mo naman po ako sakanya oh LOVE ko tlaga sya noon pa :( let you guide me kung anong dapat at di dapat kong gawin...thanks a lot!